^

PSN Showbiz

Agot pilit pa rin pinakakalma ang sarili

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Nabasa namin ang pinost ni Agot Isidro na quotation sa kanyang Instagram (IG) account na “You can’t control everything. Sometimes you just need to relax and have faith that things will work out . Let go a little and just let life happen.”

Pinost ito ng aktres after mabiktima ng Dugo-Dugo Gang ang kasambahay niya kung saan, nawalan siya ng cash at assorted jewelry. Marami ang nakisimpatiya kay Agot at pinalakas ang kanyang loob.

Sabi ng isang close kay Agot, na-depress ang aktres sa malaking nawala sa kanya at dahan-da­han nagsi-sink in sa kanya ang nangyari.

Gulo sa billing ng shake... hindi na inayos!

Malinis ang poster ng Shake, Rattle & Roll XV at wala ang names ng cast. Names lang ng directors na sina Dondon Santos, Jerrold Tarog, at Perci Intalan ang nakalagay at still photos ng bawat episode.

Ipalalabas na lang ang movie starting December 25, hindi pa rin naayos ang billing ng three female cast at damay ang lahat. Tama si Roselle Monteverde, hindi na kailangan ang pangalan ng cast dahil kilala na sila.

Ang Ahas episode nina JC de Vera at Erich Gonzales ang first episode sa direction ni Dondon. Careful sila sa story dahil may urban legend tungkol dito at baka may mag-react. Si Erich ang leading lady niya (JC), pero may cameo si Solenn Heussaff as his first wife and Alice Dixon as Erich’s mother.

Fruitful ang 2014 kay JC with so many projects kasama ang SR&R XV, may new condo siya at may burger house sa may Parañaque.

Richard handang-handa nang landiin ni Kris!

Pinaaabangan ni direk Wenn Deramas si Richard Yap sa The Amazing Praybeyt Benjamin dahil hindi ito tumatawa sa mga eksena at si Vice Ganda ang natatawa sa kanya. Nati-take 6 nga raw si Vice sa katatawa kay Richard dahil isa rin si Richard sa mga tinukoy ni Vice na magiging rason para panoorin ang pelikula nila sa Metro Manila Film Festival (MMFF). Iba raw ang presence ni Richard, may pagka-alaskador at naghubad din ito gaya ni Derek Ramsay sa first movie.

Hindi pa nakukunan ang eksenang ise-seduce ni Kris Aquino si Richard, kaya wala itong maikuwento, pero ready na siyang ma-seduce.

Ryzza Mae nagpatulong sa fans sa susuoting gown

Nagpapatulong si Ryzza Mae Dizon sa followers niya sa IG na mamili ng dress na isusuot niya sa premiere night ng My Big Bossing. Pinost nito ang five designs ni Fanny Serrano na kinulayan na ni Ryzza para mas malinaw sa pipili.

Parang gown at hindi simpleng damit ang idinesenyo ni Fanny at mukhang favorite colors ni Ryzza Mae ang yellow at purple. Sa apat na designs, dalawa ang kinulayan niya ng yellow, dalawa ang purple at isa’y kulay blue.

vuukle comment

AGOT

AGOT ISIDRO

ALICE DIXON

AMAZING PRAYBEYT BENJAMIN

ANG AHAS

DEREK RAMSAY

DONDON SANTOS

DUGO-DUGO GANG

ERICH GONZALES

RYZZA MAE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with