^

PSN Showbiz

Halikan nina James at Nadine hindi basta-basta

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

Klinaro ni direktor Andoy Ranay ng pelikulang Talk Back and You’re Dead na walang isyu sa hindi pagkakasama ni Andre Paras sa follow-up movie ng Diary ng Pa­nget. Talaga raw hindi na ito kasali sa cast ng bagong pelikula. At hindi rin siya pinalitan ni Joseph Marco.

Unlike Ang Diary…, may involved na love triangle sa istorya na binubuo nina Top (James Reid), Sam (Nadine Lustre) at Red (Joseph). Isa itong good girl meets bad boy story mula sa isang libro na isinulat ni Alesana Marie na muling pagtatambalan ng tandem nina James at Nadine na kilala sa tawag na JaDine. Inaasahang magiging kasing matagumpay ng tambalan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, ang look alike ni Nadine, ang tambalan ng dalawa na kung wholesome nung una silang magtambal ay lumevel-up na ang screen romance dahil binigyan sila ng anim, yes anim na maiinit na kissing scenes. Hindi lamang ito basta smack kundi mga meeting of the lips na siguradong magpapakilig sa kanilang mga tagsu­baybay.

“Iba na ang tinginan nila ngayon,” pambubuking ng kanilang direktor.

 “Hindi naman pwedeng hindi ako makaramdam ng kakaiba, sa rami ng kissing scenes namin,” pag-amin ni James na sinabi naman ni Nadine na lasang strawberry ang lips nito.

Palabas ang pelikula sa August 20.

Iza masyadong mabait, ‘di pinatulan si CarLa

Hindi si Iza Calzado kundi ang maraming tagasubaybay ng showbiz ang nagri-react sa pagiging una sa billing ng pangalan ni Carla Abellana sa pelikula nila sa Regal. May sinusunod kasing seniority sa pagbibigay ng billing sa mga artista sa pelikula. At hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na mas naunang mag-artista si Iza kaysa kay Carla. At nagbibida na rin ito. Buti na lamang at hindi mareklamo ang ngayon ay Kapamilya actress na kuntento na sa paglalagay sa unahan ng pangalan niya ng “and”. Pero, kung sa ibang artista nangyari ito at meron siyang manager, gyera mundyal na!

Samantala pinanghihinayangan ni Iza ang hindi niya pagkakasali sa Andres Bonifacio biopic para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry with Robin Padilla. Wala kasing mapagsiksikan sa kanyang sked. Ubos ang panahon niya sa taping ng Hawak Kamay at nagkasabay pa ang shoo­ting niya ng pelikula niya sa Regal na Somebody to Love at ang horror film ni Wenn Deramas na Maria Leonora Teresa.

Maraming batang artista pinupuri sa Cinemalaya

Ilang mga kabataang artista ang nabigyan ng ma­lalaking break sa ginaganap na Cinemalaya Film Festival. Una na rito ang napakagandang prin­­sesa ng TV5 na si Ritz Azul na may magandang role sa S6parados. Si Jake Vargas din ay nag-shine sa Asintado, kasama ang child actor na si Miggs Cuaderno na may isa pa ring movie sa filmfest na parehong maganda ang role niya. Maga­ling din si Barbie Forteza sa Mariquina. At si Ken Chan, hindi n’yo makakalimutan sa 1st Ko Si 3rd.

ALESANA MARIE

ANDOY RANAY

ANDRE PARAS

ANDRES BONIFACIO

ANG DIARY

IZA

NADINE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with