Cristine at Andi parehong playgirl?!
Aakalain mo na dahil nagkasama sila sa isang pelikula ng Viva Films, ang When the Love is Gone, ay may nabuo nang special friendship between two controversial young actresses Cristine Reyes and Andi Eigenmann.
Pero hindi, matagal nang magkakilala ang dalawa. Hindi pa artista si Andi nang ipakilala ito ni Jaclyn Jose kay Cristine. Kahit hindi pa magkaibigan, ang landas na tinatahak nila bilang artista ay medyo may pagkakahawig. Parehong playgirl ang image nila. May impresyon na nakakarelasyon nila ang lahat ng nakakapareha nila. Madalas din silang pagbintangan na dahilan ng paghihiwalay ng maraming magkakarelasyong artista.
“Hindi naman ito totoo. Nagiging close lang ako sa mga nakaka-partner ko. We have to. Hindi kasi namin magagawang natural ang mga role namin kung hindi kami close,†pagtatanggol ni Cristine.
“Ako naman eh hindi nagpapaligaw kahit kanino. May pinaglalaanan ako ng puso ko,†sabi ni Andi naman na hindi tumanggi nang sabihin na si Jake Ejercito iyon.
Naging closer ang dalawa matapos nilang magkasama sa pelikula na anak si Andi ng lalaking karelasyon ni Cristine pero hindi siya ang asawa. Kaya meron silang mga physical encounter na sinasabi ni Andi na hindi niya magagawa sa tunay na buhay.
“Kahit gaano pa siya ka-bad, dahil hindi kami magkakilala, pero sa ganda ng eksena namin ay marami ang naniwala na meron kaming away. Magaling lang talaga si Cristine, she’s one of the best actresses in our time,†papuri ni Andi.
Xian inuwian ng snow si Kim
Hindi talaga papayagan ni Kris Aquino na manatiling hanggang sa screen lang ang relasyon nina Kim Chiu at Xian Lim. Talagang ipinu-push niya na kung hindi pa totoo ang relasyon ng dalawa ay maging totoo na ito ngayon. TaÂlaÂgang pinangangatawanan niya ang pagiging matchmaker sa dalawa. BaÂgama’t itinatanggi pa rin ito ng Kim, habang tumatagal ang pag-guest niya sa Kris RealiTV ay nababawasan na ang pagtanggi niya sa pinaniniwalaan ni Kris na relasyon nila. Katunayan, inamin na niya na inuwian siya ni Xian ng snow in a bottle mula sa Canada where he had a show. May pabango rin itong uwi para sa kanya na kahit anong pilit ni Kris ay hindi nasabi ni Kim ang pangalan.
Maraming fans ni Kim are hoping na maging totoo na talaga sila ni Xian para maging 100% na ang healing process ni Kim sa kanyang mga heartache in the past.
Dance show ni Charlene nakaka-miss
Nakapanood ako ng isang episode ng Keep on Dancing dated 1999 sa Jeepney TV o Channel 9 sa Sky Cable at bigla ay naka-miss ako ng ganun kasaya at kagandang palabas. Come to think of it, bakit kaya walang network ang naglalabas ng ganung dance show eh marami pa naman ang fans ng ganung programa? For sure, marami pa rin ang manonood kapag nagkaroon ng revival.
Kaya lang sino kaya ang host na makukuha para rito? Hindi ko alam kung makakaya pa ni Charlene Gonzales-Muhlach ang pumihit ng sayaw na gaya nang ginagawa niya 14 years ago. Ang magaling ding choreographer na si Maribeth Bichara ay baka retired na although gaano man siya ka-mature ay hindi naman nalalaos ang talento ng isang tao. Ganun din ang VIP Dancers niya who provided many artists (Vilma Santos and Alma Moreno) with much needed dance support.
Sa nasabing episode, muli ay pinatunayan ni Vina Morales ang kanyang kagalingan sa pagsaÂsayaw. Isa siya sa pinakamagaling na rhumba danÂcer na napanood ko. Guest din si Isabel Granada na hanggang ngayon ay napapanood pa rin sa maraÂming TV shows. Wala lang akong alam kung nasaan na si Michelle Bayle, support dancer siya ni Charlene at talaga namang naasahan siya.
Sana mayro’n pang maÂkaÂisip na mag-produce ng isang dancing show dahil maÂganda at nakakaaliw ang ganun klaseng palabas. At least, maiiba naman sa mga maraming musical show na napapanood ngayon at halos pare-pareho na rin matangi na lamang sa kung sino ang host.
O kaya naman baka gusto ni Vice Ganda na gumawa ng isang episode ng Gandang Gabi, Vice featuring Charlene, Maribeth, at iba pang artists na magagaling sumayaw. Gaya nang ginawa niya sa mga original singer ng Whoops Kiri at ng mga male alumni ng Pinoy Big Brother na binuhay niyang muli.
Imelda nakikilikom din ng pondo sa California
Kahit nasa Amerika si Imelda Papin ay nakikiisa rin ito sa paglikom ng pondo na maibibigay sa mga biktima ni Yolanda sa pamamagitan ng kanyang Imelda Papin Foundation. Tatlong major concerts ang ginawa nito sa Congregational Church of Northridge, Nov. 21; Stardust Suites, Orleans Hotel and Casino, Nov. 22; at Kerv McGee Center bukas, Sabado, Nov. 23 sa Kerv, McGee Center. Lahat ng ito ay sa California, USA.
Kasama niya sa mga concert ang anak niyang si Mafi Papin, kapatid na si Gloria Belen, at iba pang local talents dun na mga Pinoy din.
Uuwi si Imelda sa katapusan ng buwang ito para personal na pamahalaan ang pagdadala niya ng tulong sa mga lugar na sinalanta ni Yolanda.
- Latest