^

PSN Showbiz

Katya Santos buntis na! Hiwalayan ng dalawang young stars gimik lang, hindi lang nag-uusap ’pag may reporter pero sweet ’pag walang nakakakita

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Magkikita ngayong araw sina Lorna Tolentino at Mrs. Editha Burgos para ma-finalize na ang pagtanggap ng aktres ng pelikulang tumatalakay sa buhay ng ina ng nawawalang si Jonas Burgos.

Ipinagtapat ni Direk Joel Lamangan kay Lorna na si Nora Aunor ang first choice na gumanap bilang Mrs. Burgos. Pero hindi na niya dinetalye kung bakit hindi natuloy ang Superstar kaya ibinigay ito kay Lorna.         

Sobrang nagandahan ang aktres sa script kaya kaagad niya itong tinanggap at hindi na pinag-usapan ang budget.

Gustong karirin ni Lorna ang naturang project, kaya pinag-aaralan na niya ang karakter ni Mrs. Burgos at magpapagupit pa siya at magpapatanda para masunod ang look ng ina ng aktibistang si Jonas.

PAK: Nagpakasal na pala ang dating Viva Hot Babe na si Katya Santos sa kanyang non-showbiz boyfriend kamakalawa lang.

Civil wedding daw muna iyon dahil ang balak talaga nilang church wedding ay sa October pa. Pero nagdadalang tao na pala ang sexy star kaya gusto raw ng lalaking nakabuntis sa kanya ay pakasalan na siya bago pa manganak.           

Iniiwasan lang muna ni Katya na pag-usapan ang tungkol sa kanyang pagbubuntis dahil may mga pending raket pa itong kailangan niyang tapusin at abala rin siya sa taping ng Little Champ.

BOOM: Pinagdududahang gimmick lang ang napabalitang breakup ng dalawang young stars dahil kailangan ito para sa kanilang mga programa.

Pati nga kami ay napaniwalang totoo ang napabalitang hiwalayan dahil mangiyak-ngiyak pa sila kapag napapag-usapan ito.

Pero kamakailan lang ay nakita pa silang magkasama na sobrang sweet kaya napapagdudahang walang nangyaring breakup.

Kapag nakikita sila ng reporters, hindi sila nagbabati. Pero kapag walang ibang tao, lalo’t mga writer, sobrang sweet nilang dalawa.

vuukle comment

DIREK JOEL LAMANGAN

JONAS BURGOS

KATYA SANTOS

LITTLE CHAMP

LORNA

LORNA TOLENTINO

MRS. BURGOS

MRS. EDITHA BURGOS

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with