^

PSN Showbiz

Ogie iniyakan ang nangyari kay Regine, natakot din sa maraming plema ng asawa sa vocal cords

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Kasunod ng release ng double CD album ni Ogie Alcasid na The Songwriter and the Hitma­kers ang airing ng kanyang TV special mamayang gabi sa SNBO ng GMA 7. Pareho ng title ang TV special at album at may ilang guest sa album na guest din sa TV special ga­ya nina Gary Valenciano at Christian Bau­tista, Jay-R, at Jaya.

Ang album at TV special ay simula lang sa bonggang 25th anniversary celebration ni Ogie na next year pa dapat pero sinisimulan na ngayon. Magtatapos ang celebration sa isang major concert pero kailangan munang bumenta ang album.

Ang Ikaw ang Aking Pangarap ang carrier sing­le ng album at tiyak na curious kayo kung paano kinanta ng Kapamilya stars na sina Martin Nievera, Piolo Pascual, Jed Madela, Christian Bautista, Angeline Quinto, Richard Poon, at Sarah Geronimo ang compositions ni Ogie.

Itinuturing ng singer-comedian na highlight sa 25 years niya as an entertainer ang three times na pananalong entertainer of the year at gold record award na natanggap dahil taong bayan ang nagbigay.

Kuwento pala ni Ogie, nagpapalitan sila nang pag-iyak ni Regine sa kanilang banyo noong mawalan ng boses ang asawa. Nakita niya sa ultrasound na puno ng mucus ang vocal cords nito na kanyang ikinatakot.

TV host-actress sumiklab ang galit, pangako ng network hindi nasusunod

Kapag hindi napigilan, aalisin ng mother ng isang TV host-actress (TVHA) ang anak sa isang network para ilipat sa ibang station o ibalik sa former network nito. Dismayado si madir na manager din ng anak sa nangyayari dahil tila hindi nasusunod ang mga plano sa show na ibibigay sa anak.

May gagawin daw dapat na fantasy-comedy show si TVHA kaya lang parang hindi matutuloy dahil may kumontra. Ikinagalit pa ni madir ang sinabi umano ng taong kumontra sa bagong pro­ject ng anak na hindi na sisikat ang anak niya.

Hindi raw akalain ni madir na isang bagong pasok sa network ang kokontra sa mga plano sa anak at tila pinakikinggan ang si­­na­sabi at desisyon nito. Para hin­­di na lang ma-stress si madir, aalisin na lang ang anak sa network nito ngayon.

Girls ng Artista Academy kung anu-anong kagagahan ang pinaggagagawa

Muntik palang mag-abot sa birthday party ni Edgar Allan Guzman last Monday ang ex-girlfriend niyang si Jolan Veluz at nali-link sa aktor na si Shaira Mae dela Cruz ng Artista Academy. Tiyak na nagkaroon ng eksena kung nagkita ang dalawa dahil si Shaira ang isa sa mga rason ng huling break up nina Edgar at Jolan.

Ang nakakaloka, parehong hindi invited sina Jolan at Shaira dahil inuman lang ’yun pero dumating ang dalawa. Nagkakilala sina Edgar Allan at Shaira nang magsama sa dance production sa final ng Artista Academy.

Nagiging controversial ang Artista Academy contestant dahil ’di lang sa aktor nali-link kundi pati kay Vin Abrenica at sa mga pino-post sa Twitter at Instagram ay pictures na hindi kagandahan. Paging TV5, paki-check sina Shaira, Nicole Estrada, Chantal Morales, at Stephanie Rowe.

Steven Silva gusto nang mag-pa-sexy para magka-career

Wala pang next project si Steven Silva after Coffee Prince kaya uuwi muna siya sa Sacramento, California sa Dec. 22. Two weeks siya roon kaya sa Jan­uary na ang balik. Hoping ito na sa pagbalik, may next project na siya.

After three years sa showbiz, alam na ni Steven na sa singing at hosting ang talent niya at wish na mabigyan pa siya ng hosting stint gaya nang ginagawa sa mga regional show ng GMA 7.

Gusto rin niyang mapasama sa cooking show ng network. Sayang ang talent niya sa pagluluto at ang diploma sa culinary arts sa San Francisco, California dahil hindi nagagamit.

Open si Steven sa sexy roles kung makakatulong na bumilis pa ang takbo ng kanyang career.

 

vuukle comment

AKING PANGARAP

ANAK

ANG IKAW

ANGELINE QUINTO

ARTISTA ACADEMY

OGIE

SHAIRA

SHY

STEVEN SILVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with