^

PSN Showbiz

JM, Charee, Kaye, at John pinagkaguluhan

- The Philippine Star
This content was originally published by The Philippine Star following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MANILA, Philippines - Humigit-kumulang sa 6,000 katao ang dumagsa sa SM Fairview, Quezon City kamakailan para sa mall show ng isa sa pinakapinapanood na serye sa hapon, ang Angelito: Ang Bagong Yugto.

Sa pangunguna ni JM de Guzman, Charee Pineda, Kaye Abad, at John Prats ay dumagundong nga ang venue sa dami ng hiyawan ng kanilang fans. Naghandog ang apat ng kanilang bersyon ng awiting Pag-ibig at hindi pa diyan nagtapos ang sorpresa dahil si JM ay nagpaunlak pa ng isang awitin mula naman sa kanyang album. Kasama rin sa mall show ang cast ng primetime serye na Kahit Puso’y Masugatan at pinakamainit na drama sa hapon ngayon, ang Precious Hearts Romances presents Pintada. Patuloy silang panoorin tuwing hapon lalo pa’t mas lalong umiinit ang tagpo sa mu­ling pagbabalik ni Jenny (Kaye) sa bansa.

Muling magsasala-sala ang buhay nina Angelito, Jenny, at Rosalie at kakaharapin ang mga tanong na matagal ng naghihintay ng kasagutan. May nararamdaman pa ba si Jenny kay Angelito? Aaminin ba ni Angelito ang isang gabing pinagsaluhan nila ni Jenny noon? Magagawa bang magtiwala ni Rosalie sa asawa gayong minsan ng minahal ito ni Jenny? Hanggang kailan itatago ni Jenny ang pagdadalang tao niya sa anak ni Angelito?

Huwag bibitaw sa gumagandang kuwento ng Angelito: Ang Bagong Yugto, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng It’s Showtime sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

AAMININ

ANG BAGONG YUGTO

CHAREE PINEDA

JOHN PRATS

KAHIT PUSO

KAPAMILYA GOLD

KAYE ABAD

PRECIOUS HEARTS ROMANCES

QUEZON CITY

ROSALIE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with