^

PSN Showbiz

Sarah may gagawing kakaiba sa kanyang birthday

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

MANILA, Philippines - Naghahanda na pala si Sarah Geronimo para sa kanyang birthday blowout sa July.

Isang bongga at fabulous na concert daw ang kanyang gagawin na hindi pa napapanood ng fans ng pop princess.

Kung sabagay, matagal-tagal na rin ang huling concert ni Sarah na ngayon ay kinikilala na ring isang mahusay na host dahil sa tagumpay ng kanyang programang Sarah G Live sa ABS-CBN na consistent pala sa no. 1 slot tuwing Linggo ng gabi. Kung sabagay, pinupuri ang kanaturalan ni Sarah sa kanyang pagho-host kaya naman inaabangan na talaga ang programa niya.

Ayaw pa nilang magbigay ng detalye para sa nasabing big concert ni Sarah pero ayon sa manager niyang si Mr. Vic del Rosario, mamamangha ang mga manonood ng birthday concert ng alaga niya dahil sa mga kakaibang gagawin nito.

By the way, si Sarah G. din ang kumanta ng theme song ng ABS-CBN Summer Station ID na kasama ang nababalitang boyfriend niya na si Gerald Anderson. Teka aamin na kaya si Sarah ng tungkol sa kanila ni Gerald sa kanyang birthday concert?

Anyway, tuluy-tuloy naman daw ang shooting ng movie nila ni John Lloyd Cruz, ang third installment sa matagumpay nilang pelikulang A Very Special Love and You Changed My Life. Balitang July ang target playdate ng pelikula na ngayon pa lang ay hinihintay na ng marami under Star Cinema and Viva Films.

Phil araw-araw lalong nai-in love kay Angel

Kailan kaya magkaka-label ang relasyon nina Phil Younghusband and Angel Locsin?

Nang huling humarap sa media ang Striker ng Azkals, sa launching ng Snickers para sa kanilang bagong kampanya sa Pilipinas na ‘You’re Not You When You’re Hungry, inulit na naman ni Phil na wala pa rin pero aminado siyang araw-araw ay lalo siyang nain-in love sa actress.

Appreciated din niya ang ginawa ng actress na pagtatanggol sa kanila nang magbigay ng comment si Arnold Clavio tungkol sa kinakaharap na sexual harassment issue ng dalawa niyang kasamahan sa Azkals.

Anyway, bukod kay Phil, kasama sa naturang launching event ng Snickers sa SM Mall of Asia Music Hall sina Azkals Skipper Aly Bor­romeo at Midfielder Ja­mes Younghusband, upang magpatunay na bilang isang atleta, kailangan nasa kundisyon ang kanilang mga katawan upang makapag-perform sila ng maayos.

Inilunsad din sa naturang event ang kanilang bagong television commercial at online contest na magaganap mula Abril 1 hanggang Mayo 15, 2012 - ang SNICKERS® You’re Not You When You’re HungryTM online contest na lalahukan ng tatlong bansa - Pilipinas, Malaysia at Singapore – na maglalaban-laban para maging top winner. Maaaring i-upload ng mga kalahok ang kanilang “hungry faces” sa SNICKERS® Facebook page, www.facebook.com/SnickersPhilippines.

Ang bansang may pinakamaraming lalahok ay mananalo ng anim na buwang supply ng SNICKERS® para sa kanilang National Football Team (Azkals para sa Pilipinas), habang ang dalawa pang bansa ay mananalo rin ng tig-tatlong buwang supply ng SNICKERS® para sa kani-kanilang National Football Team.

Maaari ring manalo para sa kanilang sarili ang mga sasali. Apat na Special Prize winners mula sa bawat bansa ang mapipili base sa pagka-creative ng kanilang photo entry, bawat isa ay makakatanggap ng USD300 cash at 100 bars ng SNICKERS®.

Sa pagtatapos ng contest, pipili ng isang Grand Prize winner para sa bawat bansa. Ang mga mananalo ay makakapunta sa Poland, na may isang kasama, para panuorin ng live ang European Championship 2012 match.

So magpakagutom saka magpa-picture, kumain ng Snickers at puwede na kayong manalo.

vuukle comment

A VERY SPECIAL LOVE AND YOU CHANGED MY LIFE

ALY BOR

ARNOLD CLAVIO

AZKALS

KANILANG

NATIONAL FOOTBALL TEAM

NOT YOU WHEN YOU

PARA

PILIPINAS

SNICKERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with