^

PSN Showbiz

Mga eksena sa Broken Vow, nagbabaga!

-

MANILA, Philippines - Dahil galit na sinampal ni Melissa si Felix sa harap ng board and Ofelia, na makikita ang galit sa kanyang mukha, kinabahang iniwan ni Felix ang meeting para sumunod kay Melissa.

Hawak pa rin nina Roberto si Bryan, takot na ikinuwento ni Bryan ang lahat na detalye ng pagdukot nila kay Melissa at pagbigay nila rito kay Felix bilang regalo.

Galit at luhaang ipinagtapat ni Melissa kay Amor na si Felix ang kanyang rapist, na ayon sa result ng DNA test ay si Felix ang ama ni Eva. Narinig ito ng bata kaya nalaman nitong si Felix ang kanyang totoong Daddy.

Dumating si Felix sa bahay at nalaman niyang alam na ni Melissa ang katotohanan. Nakapag-impake na sina Melissa, aalis na sa mansiyon nina Felix. Nagmakaawa, umiyak si Felix na patawarin siya ni Melissa.

Nagtapat na rin si Felix kay Ofelia na siya ang rapist ni Melissa, ikinuwento niya ang lahat. Shocked si Ofelia.

Dumating sina Roberto and Rico sa mansiyon nina Felix, nalaman from the maid na wala na sina Melissa, na galit ito kay Felix  nang umalis. Alam ni Roberto na kina Amy pupunta sina Melissa kaya susundan niya ito roon.

Kahit lasing si Felix ay pupuntahan nito si Melissa.

Mas pa-bongga na ang mga tagpo sa nagbabagang mga eksena sa Broken Vow na napapanood tuwing Hapon sa GMA 7.

ALAM

BROKEN VOW

DAHIL

DUMATING

EVA

FELIX

MELISSA

OFELIA

ROBERTO

ROBERTO AND RICO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->