^

PSN Showbiz

Dahil sa kababasa ng Bibliya, Pacman ayaw nang mag-endorse ng alak, sigarilyo, at pagsusugal!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK : Si Katya Santos ang nagtanggol sa mga dati niyang kasamahan sa Viva Hot Babes na napag-uusapang pakalat-kalat na lang ngayon sa kung saang gimikan.

 Isa sa mga natsitsismis ay si Jaycee Parker na nakita sa Boracay na pakalat-kalat doon para makalibre lang ng makakain.

 Unfair naman ’yun sabi ni Katya dahil kilala niya si Jaycee na hindi ganun.

“Mahilig lang talagang kumain si Jaycee pero kaya naman niyang gumastos. ’Pag lumalabas kami, sinasabi naman niya kung wala siyang pera kami ang gagastos, pero ’pag meron naman siya, ang hilig niya manglibre,” sagot ni Katya.

 Wala naman sa mga kasamahan niya sa Hot Babes na masasabing napariwara dahil halos lahat naman sa kanila ay may career pa rin kahit hindi na active ang kanilang grupo.

PAK : Sabi ni Ara Mina, mahigit isang taon na siyang active sa pagiging Christian kaya nung nakipag-break ito sa kanyang boyfriend, hindi na ganun kabigat sa kanya dahil sa malaking tulong ang nagagawa ng kanyang faith sa Diyos.

 Araw-araw ay nagbabasa siya ng Bibliya at ang mga salita ng Diyos ang nagpapatibay sa kanya.

 Tinanong namin ito kung okay lang ba sa kanya na makasabay sa Bible study si Manny Pacquiao na sobrang active na rin sa panghihikayat magbasa ng Bible.

 “Why not? There’s nothing wrong, it’s the word of God. Ang nakakatawa lang, sobrang timing lang, pero nauna ako sa kanya ha? Baka sabihin ako pa ang nanggagaya pero happy naman ako na sana lahat nga ng tao ganyan,” natatawang sagot ni Ara.

BOOM : Totoo kayang sa sobrang pagka-high ni Manny sa pagbabasa at pag-apply sa kanyang buhay ng nababasa niya sa Bibliya ay mamimili na raw ito ngayon ng mga produktong i-endorse niya?

 Nabalitaan naming ayaw na niyang mag-endorse ng mga produktong nagpo-promote ng inom, sugal, at iba pang bisyo.

 Ang pagkakaalam namin ini-endorse pa rin niya ang San Miguel. Iri-renew kaya niya ito?

vuukle comment

ARA MINA

BIBLIYA

DIYOS

HOT BABES

JAYCEE PARKER

KATYA

KATYA SANTOS

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with