^

PSN Showbiz

Gretchen ayaw magpatalbog

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Pinaghahandaan na ng todo-todo ni Gretchen Bar­retto ang bago niyang seryeng Alta. Ito ang ma­ganda sa isa sa tatlong Barretto sisters, she competes with herself. Kung magaling siyang maitutu­ring sa Magkaribal, dito sa Alta mas gusto niyang maging mas magaling pa siya.

She is pushing herself to the limit. Talagang pi­nag-aaralan niya ang kanyang role at maging ang role ng mga makakasama niya sa serye para mai-ad­just ang kanyang character sa kanila. Kung hindi ito patunay ng isang tunay na artista, ewan ko kung ano pa.

Maski nung kasa-kasama ko pa siya at co-host sa GMA Supershow, Gretchen had always display­ed professionalism and a strong desire to be the best. Hindi siya kuntento to be better, talagang gusto niyang maging the best.

Ngayon, nagtataka pa ba kayo kung bakit iba siya?

Jennylyn ang laki na ng ipinagbago!

Ang laki na ng improvement ni Jennylyn Mercado! Hindi lang siya isang magaling na artista, magaling na rin siyang host. Ang maganda kay Jennylyn, sabay sa pag-unlad ng kanyang career ay ang malaking pagbabago niya physically. Ang laki ng iginanda niya’t isineksi. I’m sure ang dami-dami ng naiinggit ngayon kay Luis Manzano for having a beautiful girl for his girlfriend.

Ituluy-tuloy mo pa ang pagpapabuti sa sarili mo, Jen, at sigurado ako na malalampasan mo pa ang itinakda mo sa iyong sarili. Good luck sa ’yo!

ALTA

BARRETTO

GRETCHEN

GRETCHEN BAR

ITULUY

JENNYLYN

JENNYLYN MERCADO

LUIS MANZANO

MAGKARIBAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with