'Gigil' sa PP!
MANILA, Philippines - Babaha ng cutie to hunky boys, dreamy to sexy girls, love teams, at iba pang magaganda na siguradong hindi ninyo matatanggihan ngayong linggo sa Party Pilipinas, sa episode na Gigil!
May gigil vibe ang Julielmo, ang loveteam nina Julie Ann San Jose at Elmo Magalona.
Humanda rin sa tandem nina Kyla at Rachelle Ann Go.
Magsasama naman sa isang bonggang production number sina Solenn Heussaff at Lovi Poe.
Marami rin silang mga sorpresang bisita na magpapa-gigil sa manonood.
Kilalanin din ang bagong set ng Protégés na hahataw kasama ang kanilang mga Mentors.
Magbibigay naman ng update ang Protégé hosts na sina Ogie Alcasid, Jennylyn Mercado, and Dingdong Dantes sa mga issue sa loob ng Quarters ng Protégés’.
Ang sariling protege naman ni Master Rapper Francis Magalona ang youngest son na si Arkin Magalona ay may birthday celebration!
Meron ding debut party si Sarah Lahbati!
Mamamaalam na rin sa Party Pilipinas ang Futbolilits sa pagtatapos ng teleserye.
Papasok naman ang magsisimulang Ikaw Lang ang Mamahalin top-billed by Barbie Forteza, Joshua Dionisio, Joyce Ching, Kristoffer Martin, and Ms. Sheryl Cruz who will bring out the dance diva in her with the Sayaw Pilipinas crew. Humanda rin sa bagong grupo na Cyphered!
Darating din si Miss Kapviewerso World, Martha Chloe Mcculley, first time aapir sa TV.
Lahat nang ‘yan sa PP ngayong Linggo.
- Latest