Bianca antipatika ang dating
Seen : Kulang sa excitement ang opening number ng pilot telecast kahapon ng Happy, Yipee, Yehey.
Scene : Tumatanggap ng financial help ang pamilya ng character actor na si Paquito Diaz na naka-confine sa ICU ng isang ospital dahil sa pneumonia.
Seen : Unpleasant si Bianca Manalo bilang co-host ng Happy, Yipee, Yehey dahil sa kanyang nakairap na facial expression. Dapat sanayin ni Bianca na ngumiti para mawala ang impression na antipatika siya.
Scene : Hinangaan si former President Joseph Estrada sa pagbisita niya sa burol ni Angelo Reyes, ang kanyang dating AFP Chief of Staff na tinalikuran siya noong Edsa 2 Revolution.
Scene : Balik TV5 si Markki Stroem bilang leading man ng Star Factor winner na si Eula Caballero sa new Sunday afternoon show ng Kapatid network. Nakilala si Markki nang sumali siya sa Pilipinas Got Talent ng ABS-CBN ngunit nag-audition siya noon sa Philippine Idol.
Seen : Ang balita na nagkakatabangan na sina Arnell Ignacio at Suzuki Sadatsugu. Marami ang nagsasabi kay Suzuki na hindi makakatulong sa kanyang career ang mga tsismis na may relasyon sila ni Arnell.
Scene : Ngayong gabi ang Home for Valentine’s, ang Valentine TV special ni Charice na mapapanood sa SNBO ng GMA 7.
- Latest