^

PSN Showbiz

Lani tuloy ang laban

RATED A - Aster Amoyo -

Kitang-kita kay Marian Rivera ang excitement sa bagong Darna.

Aware si Marian na hindi maiiwasang pagkum­parahin sila ni Angel Locsin pero sa halip na magpa-pressure ay ini-enjoy na lamang niya ang kanyang bagong papel na ginagampanan.

Tulad ni Angel, bagay na bagay kay Marian ang kanyang bagong role na Narda at Darna na ang bagong kapareha ay si Mark Anthony Fernandez.

 “First time kong katrabaho si Mark sa Darna and I’m so happy dahil alam kong magaling siyang aktor,” pahayag ni Marian.

At kung excited si Marian na makatrabaho si Mark Anthony ay mas lalong masaya ang aktor na si Marian ang kanyang bagong kapareha.

 “Kahit sino naman sigurong aktor ay gustong makatrabaho si Marian,” nakangiting tinuran ni Mark na habang tumatagal ay lalong nagiging kamukha ng kanyang yumaong amang si Rudy “Daboy” Fernandez.

***

Mukhang Pinoy ang bagong husband ni Imee Marcos na nagngangalang Marc pero ito na mismo ang nagsabi sa amin na isa siyang Singaporean nang ito’y kumain sa Toki Japanese restaurant sa Bonifacio Global City nung Huwebes ng gabi kasama si Felix Ang, ang president ng CATS Motors, Inc. na siyang distributor sa Pilipinas ng Mercedes Benz, ang kanyang magandang misis na si Grace, ang mag-asawang Philip at Small Laude at ang singer-comedienne na si Giselle Sanchez.

Bagets-looking pa rin hanggang ngayon si Imee na nakalimutan naming tanungin kung babalikan pa rin nito ang pulitika matapos siyang umatras sa 2007 elections.

Samantala, dalawang beses naming nakita si Giselle sa loob ng anim na araw sa Toki. Last Friday ay kasama naman niya ang grupo nina Mayor Alfred at Cristina Romualdez, Mayor Toby at Michelle Tiangco, ang mag-asawang Philip at Small Laude, ang Mega publishing president na si Sari Yap at maging ang aktor na si Ricky Davao. Bumalik din sa Toki ang mag-asawang Mayor Toby at Michelle kasama naman ang mag-asawang Mike at Baby Enriquez, ganoon din ang mag-asawang Mayor Alfred at Cristina Romualdez bago sila bumalik ng Tacloban nung Martes ng umaga.

***

Mukhang tuluy na tuloy na ang muling paglusong sa pulitika ng misis ni Sen. Bong Revilla na si Lani Marcado sa 2010 elections. Si Sen. Bong na rin mis­mo ang nagkumpirma sa amin na tatakbo sa pag­ka-congresswoman ng Cavite ang kanyang misis. 

Ang pulitika at serbisyong publiko ay hindi na bago sa pamilya Bautista/Revilla dahil ang ama ni Bong na si Ramon Revilla, Sr. ay dating senador, dati ring senador ang brother-in-law ni Bong na si Bobby Jaworski, dating mayor ng isang lugar sa Nueva Ecija ang kanyang namayapang kapatid na si Ramon Bautista, mayor naman ng Bacoor ang nakababatang kapatid ni Bong na si Strike Revilla at gobernador naman ng Rizal ang brother-in-law nilang si Jun Jun Ynares, ang mister ng nakaba­ba­tang kapatid ni Bong na si Andeng (Andrea Bautista-Ynares).

Naikuwento sa amin ni Lani na nasa panga­ngalaga nila ngayon ang kanilang apo kay Jolo mag­mula nang ito’y magkasakit. At four, nag-aaral na rin ito sa same school na pinag-aaralan ng bunso nina Bong at Lani na si Ram.

***

Gustong klaruhin ni Angel Locsin na kung siya lamang ang masusunod, gusto niyang makasama ang Megastar na si Sharon Cuneta sa kauna-unahang movie nito sa bakuran ng Regal Films, ang Mano Po 6 pero ang problema, may kontrata si Angel na pinirmahan sa Star Cinema.

Hindi ikinakaila ni Angel na ang Regal Films ang unang nagbigay sa kanya ng break sa pelikula at may utang na loob siya rito. Pero dahil may commitment siya sa Star Cinema, hindi siya basta-basta makakagawa ng pelikula sa Regal unless sila ang makipag-usap sa Star Cinema para ipagpaalam siya.

***

[email protected]

vuukle comment

ANDREA BAUTISTA-YNARES

ANGEL LOCSIN

BABY ENRIQUEZ

BOBBY JAWORSKI

BONG

CRISTINA ROMUALDEZ

REGAL FILMS

SMALL LAUDE

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with