^

PSN Showbiz

Dyowa ni Paolo Bediones talunan sa Bb. Pilipinas

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Dumalaw na ako sa burol ni Francis Magalona sa Christ The King Church sa Greenmeadows at naabutan ko dito ang kanyang asawa at mga anak.

Iisa ang tabas ng mukha ng mga anak nina Francis at Pia kaya hindi puwedeng i-deny na magkakapatid sila.

Naabutan ko sa entrance ng chapel ang mga tao na hindi na pinapasok dahil hanggang 6:00 p.m lang ang public viewing.

Porke hindi sila makapasok, naghintay na lang sila sa pagdating ng mga artista na makikiramay sa pamilya ni Francis.

* * *

Si Maxene Magalona ang sumalubong at naglapit sa akin kay Pia. Bilib ako kay Pia dahil matatag ang kanyang loob.

Mabilis niyang natanggap ang maagang pag­panaw ni Francis. Walo ang anak nila kaya kaila­ngan ni Pia na magpakatatag.

Pahinga muna si Maxene sa taping ng SRO Sinema Serye dahil siya ang katulong ng kanyang ina sa pag-aasikaso sa mga nakikiramay sa kanila.

Nakangiti si Maxene kapag nasa chapel pero naiiyak siya sa tuwing umuuwi sa bahay nila sa Antipolo City. Miss na miss na raw niya ang kanyang ama.

* * *

Nagkita kami ni Mama Rosa Rosal sa lamay para kay Francis. Malaki ang naitulong ni Mama Rosa kay Francis. Siya ang nagpapadala ng dugo na kailangan noon sa blood transfusion.

Saka, kaibigan ni Mama Rosa ang mga magulang ni Francis, sina Tita Duran at Pancho Magalona. Sila ang mga magkakasabayan sa showbiz noong dekada ’50.

* * *

Hindi na kami nag-abot nina Vic Sotto at Joey de Leon sa burol ni Francis. Maaga akong umuwi ng bahay dahil ayoko nang nagpupuyat ako.

Hindi ko na nga hinintay ang delayed telecast ng Bb. Pilipinas. Nalaman ko lang kahapon na 1st runner-up si Rich Asuncion. Kapag na-dethrone ang isa sa mga nanalo ng major title, siguradong si Rich ang ipapalit.

At least, may puwesto si Rich. Napahiya ang mga nagsabi noon na hindi siya mapapansin sa beauty pageant ng Bb. Pilipinas dahil matatangkad ang kanyang mga kalaban. Nalimutan yata ng detractors ni Rich na ang maliliit ang nakakapuwing.

* * *

Luz Valdez ang dyowa ni Paolo Bediones na si Abby Cruz. Natalo man si Abby, hindi ito dapat malungkot dahil sa sinabi ni Paolo na winner sa puso niya ang kanyang girlfriend. Sweet ‘di ba?

Ang hirap ng posisyon ni Paolo noong Sabado ‘huh! Siya ang host ng coronation night at contestant ang kanyang dyowa. Imposibleng hindi siya natensyon para kay Abby. Magaling talaga si Paolo na magdala ng nerbyos. Cool at confident siya.

* * *

Ngayong linggo ang alis ng cast ng All About Eve. Pupunta sila sa Singapore dahil dito kukunan ang mga eksena ng bagong primetime show ng GMA 7 na mag-uumpisa mamayang gabi.

Magkasamang aalis sina Iza Calzado, Sunshine Dizon at Mark Anthony Fernandez. Susunod sa kanila si Alfred Vargas.

Madaling naayos ang permit sa Singapore. Pumayag nga na makipag-ex-deal ang Tourism Department ng Singapore nang malaman nila na show ng number one TV network sa Pilipinas ang kukunan sa kanilang bayang magiliw.

vuukle comment

ABBY CRUZ

ALFRED VARGAS

ALL ABOUT EVE

ANTIPOLO CITY

FRANCIS

MAMA ROSA

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with