^

PSN Showbiz

Kim Chiu, pinaiiyak ni Gary V

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Mahalaga ang naga wang awitin ni Gary Valenciano na "Sana Maulit Muli" dahil ginawa itong theme song ng teleserye na may ganito ring pamagat. Ang awitin ay originally written in English na kinompos ng asawang si Angeli at handog sa namayapang si Julie Vega. Labis ding dinamdam ng yumaong Fernando Poe Jr. ang pagkamatay ng young actress at ginamit din ang awitin sa pelikula na tinampukan ni Lea Salonga.

Ngayon, kapag naririnig ni Kim Chiu ang awitin ay naaalala niya ang malulungkot na pangyayari sa buhay. Kapag nagti-taping sila at kailangang lumuha siya ay pinatutugtog ang awitin bilang background.

Samantala, may ibubuga rin pala sa pag-awit si Kim kasama rin sa soundtrack album ang "Mine" na inawit ng aktres.

Kapag umuuwi pala sa Cebu si Kim ay iba na ang pakikitungo sa kanya ng mga kababayan kung saan ipinagmamalaki nila si Kim. Pinagkakaguluhan na nila ang aktres at maraming nagpapapirma ng autograph at nagpapakuha pa ng litrato.

May mga popular ding band ang naging bahagi ng official teleserye soundtrack gaya ng True Faith, Frio, Silent Sanctuary, Breaking Silence, Six Part Invention. Kasama rin ang Pinoy Dream Scholars na sina Jay-R Siaboc, Panky Trinidad at Mark Bautista.

Mabibili ang album sa lahat ng record bars nationwide under Star Records at ASAP Music.
Ibang Klase Ang Musika
Isa sa mga bandang nakibahagi ng kanilang talino para makumpleto ang "Sana Maulit Muli" experience ay ang Silent Sanctuary "Maalala Mo Sana".

Bakit Silent Sanctuary ang pamagat ng banda?

"Ang ibig sabihin ng sanctuary ay place for reflection.

"Ang mga awitin namin ay karaniwang may tema tungkol sa buhay at pag-ibig," anang leader.

Classical ang dating ng kanilang awitin with matching violin bukod pa sa ibang instrumento ng banda. Pag narinig ang kanilang musika ay parang gusto mong mag-reflect ayon pa sa kanilang leader.

vuukle comment

AWITIN

BAKIT SILENT SANCTUARY

BREAKING SILENCE

DREAM SCHOLARS

FERNANDO POE JR.

GARY VALENCIANO

IBANG KLASE ANG MUSIKA

SANA MAULIT MULI

SILENT SANCTUARY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with