^

PSN Showbiz

Danilo, pinagtataguan si Jaycee!

-
Ilang araw na raw nagmumukmok at nag-iiyak ang ex-Viva Hot Babe na si Jaycee Parker dahil hindi na raw nagpapakita sa kanya ang actor/dancer na si Danilo Barrios ng almost a week na.

Sitsit ng taong malapit kina Danilo at Jaycee, "Mag-iisang linggo nang hindi nagpapakita si Danilo, panay ang tawag ni Jaycee, hindi siya sinasagot, minsan naman naka-off ang cellphone.

"Hindi alam ni Jaycee kung ano ang drama ni Danilo, nagkasagutan sila, hindi ko lang alam kung nagkaayos na. Kaya itong si Jaycee, walang ginawa kundi umiyak ng umiyak, lahat ng commitments hindi sinisipot, pati promo ng Enteng Kabisote 3 hindi rin nagpo-promote, e, dapat tumulong siya ‘no?" kuwento sa amin.

Aba’y nasaan nga ba si Danilo? Hindi kaya gimmick lang ng mag-jowa na kunu-kunong nag-away sila para pag-usapan sila dahil wala na silang publicity?
* * *
Kawawa naman itong si Sam Milby, laman pa rin siya ng lahat ng tabloid dahil sa nakaraang interview nina Rachel Alejandro at Geneva Cruz sa radio program ni DJ Mo ay siya na naman ang nabanggit sa isyung, "Hey dude, admit it you’re gay" issue.

Last week lang ay sila ni Piolo Pascual ang binanggit ng taklesang si Borgy Manotoc at naulit na naman last Wednesday.

Ayaw sagutin ni Sam ang nasabing isyu dahil hindi totoo, pero iba ang paniniwala ng iba, dahil may kasabihan na kapag tumahimik ka sa isang maselang isyu, ibig sabihin ay trulili.

Matinee idol si Sam at kailangan niyang protektahan ang imahe niya ngayon, lalo’t loveteam sila ni Anne Curtis para sa Maging Sino Ka Man at maraming nagi-ilusyong maging sila na maski malayo sa katotohanan.

Bakit hindi gayahin ni Sam ang ginawa noon ni Piolo na isang beses lang nagsalita sa The Buzz tungkol sa kanyang pagkatao at simula no’n, dedma na rin ang tao sa isyung bading ang aktor.

At least for once, marinig sa buong mundo ang sagot ni Sam. — Reggee Bonoan

vuukle comment

ANNE CURTIS

BORGY MANOTOC

DANILO

DANILO BARRIOS

ENTENG KABISOTE

GENEVA CRUZ

JAYCEE PARKER

MAGING SINO KA MAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with