^

PSN Showbiz

Bago si Cogie, nakipag-date si Lovi kay John Prats!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Sana, hindi lang dahil kay Lovi Poe ang pagpapakita ng sigla ni Cogie Domingo sa kanyang pagbabalik-pelikula. Nagulat ang press sa presscon ng Love to Love Musicale (Jass Got Lucky) nang magsayaw ito with the cast of the show habang kumakanta ang kapareha.

Sa show naman, ipapakita nito ang husay sa paggigitara dahil band member ang role niya at kunwari’y, member ng Spongecola Band. Kaya rin daw niyang kumanta kung kinakailangan and if his role calls for it.

Kaswal na inamin ni Cogie na inalis siyang endorser at image model ng Penshoppe noong wala siyang ginagawa at naintindihan niya. Pero, ibabalik siya ngayong dalawa ang kanyang regular show. Abangan daw ang pagbabalik niya bilang endorser dahil maghuhubad siya’t maganda ang kanyang katawan dala ng six months na pagdyi-gym.

Samantala, bago ma-link kay Cogie, naging close rin pala si Lovi kay John Prats. Lumalabas daw sila ng actor na nakilala niya sa Metro Manila Film Festival pero, bigla na lang naputol ang kanilang communication. Wala raw dapat ipagselos si Cogie dahil nakilala niya si John bago ito dumating sa kanyang buhay.
* * *
Wala lang na ikinuwento ni Kim Chiu na madalas siyang kilitiin ni Gerald Anderson sa kilikili. Ginagawa ito ng kapareha ‘pag sila’y nagbibiruan at dahil ‘di pa alam ang kiliti ng binata’y, ‘di siya makaganti. Ang ginagawa na lang niya’y mag-ingay na ikinaririndi ni Gerald.

Nararamdaman ni Kim na malakas ang loveteam nila ni Gerald dahil kahit saan sila magpunta’y mina-mob sila ng tao. Patunay din ang mataas na rating nang una silang magtambal sa Love Spell sa lakas nila sa fans at rason para ibalik ang kanilang tambalan sa Charm & Crystal episode na magsisimula ang airing this Sunday sa ABS-CBN.

Kuwentang-kuwenta rin ni Kim kung saan napunta ang P1 million cash prize na napanalunan niya sa Pinoy Big Brother Teen Edition. After bawasan ng tax, P800,000 na lang ang napunta sa kanya na hinati niya sa tuition ng tatlong kapatid na nag-aaral at ang iba’y ipinuhunan sa pagtira niya rito. Kabilang ang apartment rent at iba pang pinagkagastusan.
* * *
"Kaloka si Marvin Agustin ha! Hindi siya consistent pagdating kay Pauleen Luna. Nang makita namin siya sa cast party ng I Luv NY, hiningian namin ng comment sa panliligaw niya sa young actress. Ayaw mag-comment at ibigay na lang daw sa kanya ang moment na ‘yun. May mga sinabi pa itong hindi na namin pinakinggan.

Paano naman, bago namin siya makausap, na-interview na siya sa TV at ang dami niyang ipinahayag tungkol kay Pauleen. Narinig pa nga naming sinabi niyang big inspiration niya ang young star at kung anu-ano pang magagandang comment.

Ano ‘yun? Puwede siyang mag-comment sa harap ng TV pero, hindi sa print? Pareho rin namang aabot sa tao ang TV at print reporting. Hindi rin daw niya maintindihan kung bakit ang sariling PRO pa niya ang unang nagsulat ng panliligaw niya kay Pauleen.

Soap opera raw ang next project niya sa GMA-7 after I LNY (ano kaya ito) at nag-meeting na ang manager niyang si Orly Ilacad at Ms. Wilma Galvante tungkol dito.

vuukle comment

COGIE DOMINGO

GERALD ANDERSON

I LUV

JASS GOT LUCKY

JOHN PRATS

KIM CHIU

LOVE MUSICALE

LOVE SPELL

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with