Aiai, may bagong dyowa
April 8, 2005 | 12:00am

Ayon pa sa nakakita ay tila matagal nang kakilala ng comedy queen ang ka-date dahil sa mga kilos nila ay sweet at talagang tsika to death at mega alalay pa ang guy sa kanya.
Say naman ng isa pang nagkuwento sa amin ay dati itong miyembro ito ng Streetboys na hindi sumikat kaya’t nagpunta na lang sa Japan para maging hosto.
Inalam namin kay Aiai ang naturang isyu kung totoo nga at tawa siya nang tawa sa amin.
"Ha, ha, matagal ko nang kakilala ‘yun, dati kasi naging boyfriend ko ‘yun, pero matagal na, e, nagpunta nga ng Japan kaya nu’ng nagkita kami, kumustahan lang.
"Wala ‘yun, hindi naman kami, pero lumalabas kami minsan para magkuwentuhan," pag amin ni Aiai sa amin.
Loveless daw siya ngayon kaya’t okey lang na nakikipag-dinner date siya total walang magagalit at ganu’n din sa parte ng lalaki.
"Wala ‘yun ‘Gee, kakwentuhan ko lang, hindi seryoso para habang wala pa akong show, e, bisi-bisihan, pero pag nag-umpisa na uli akong magtrabaho, tsugi na lahat ‘yan, focus na ako sa work. Siyempre minsan kailangan ko rin ng ibang kausap bukod sa mga anak ko at kaibigan ko, somebody na iba naman ang pag-uusapan," katwiran pa ng komedyana. (Ulat ni Reggee Bonoan)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended