^

PSN Showbiz

Home of gays

KWENTONG SHOWBIZ - Ernie Pecho -
Ang bagong show ni Boy Abunda sa Channel 2, Homeboy ang tawag. Hindi Homoboy o Houseboy. Basta’t plain Homeboy. Tandaan.

Ito’y isang morning show na ang sabi ni Boy ay pinagsamang The Buzz, Controversial at iba’t iba pang mga shows na nagawa o ginagawa niya sa TV. Baka hindi kasali ang nagawa niya sa GMA!

Sa rami ng mga talk shows ni Abunda, siya na nga ang undisputed King of Talk Shows. O, huwag magtataas ng kilay sa nasabing titulo. Bakit may naiisip ba kayong ibang maaaring itawag kay Boy?

Pero hindi lang ako sure kung magpapalda rin siya sa Homeboy. Hindi naman kasi "HomeGirl" o "HomeGay" ang show.

Ito na marahil ang katapat ng Sis sa Channel 7 na ngayon ay kilalang show na home of gays. Alam na ninyo ang dahilan. Palagi kasing napapanood sa show nina Janice at Gelli de Belen plus Carmina Villaroel, ang iba’t ibang klaseng gay entertainers.

Kaya naman ang Sis ay tinatawag na ngayong Klowns, Punchline, Laffline and Library on TV. Tawag ka ng mga bading sa chow TELEBAKLA!
* * *
Ang magiging ka-back-to-back ng Homeboy ang M.R.S. to be hosted by Roderick Paulate, Amy Perez at Marvin Agustin.

Ibig sabihin ng M.R.S. ayon sa press release na galing sa ABS-CBN, most requested show.

Maganda ang format ng show. Maraming mga portions na maaring kagiliwan ng mga televiewers.

Kaya pahintulutan po ninyo akong maglagay ng public service message.

Inaayos ang isang grand homecoming ng Doña Teodora Alonzo High School. Tinatawagan ang mga kasali sa Class ’64, ’65 at ’66. Pakitawagan sina Gene Hiero sa telephone numbers 418-5591 at 935-3807; o ang kolumnistang ito sa cellphone no. 0919-442-7371.

Sa ating gagawing reunion, matutulungan din natin ang ating alma mater.
* * *
Mukhang higit na umiinit ang network battle between GMA at ABS-CBN this 2005.

Maraming mga bagong shows na sisimulan ang magkalabang istasyon. Ang Channel 2, nagpahayag na ng kanilang bagong shows sa taong ito. Ang GMA naman, mukhang tahimik pa at ayaw pang umimik sa kanilang mga bagong alas na ilalabas.

As usual, tayong mga televiewers ang palaging makikinabang sa labanang ito. Pareho kasing magsisikap ang magka-kompetensya na bigyan tayo ng higit na magagandang palabas.

AMY PEREZ

BOY ABUNDA

CARMINA VILLAROEL

GENE HIERO

HINDI HOMOBOY

HOMEBOY

KAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->