South Border may Araneta concert
August 10, 2004 | 12:00am

Kasabay din nito ang pagkakaroon nila ng major concert na gagawin sa Araneta Coliseum sa Sept. 17, na pinamagatang South Border episode III the Show.
Bagama’t group ef-fort ito, hindi ikinakaila ng mga miyembro na malaki ang hatak ng dalawa nilang bagets na vocalist na sina Duncan Ramos at Vince Alaras.
"Hindi po. Ang totoo niyan mas marami akong natutunan sa grupo. Like before I just sing, pero ngayon nananamnam ko na ang mga kanta. Mas confident na rin ako ngayon dahil wider na ang natutunan kong music dahil sa banda," paliwanag ni Vince na excited sa kanilang major concert dahil first time nilang kumanta sa mas malaking venue.
Tinitiyak ng South Border na magugustuhan ng kanilang fans ang kanilang concert dahil talaga raw pinag-aralan nila itong mabuti.
Ang ‘‘Acoustic Light’’ ay naglalaman ng 15 tracks na naging perennial favorites tulad ng ‘‘Another Rainy Day’’ ni Aiza Seguerra, ‘‘True Love’’ ni Randy Santiago, ‘‘Sana Naman’’ ni Richard Reynoso, ‘‘Fallin’’ ni Rica Peralejo, ‘‘Di Mo Man Hanapin’’ ng Article Six, ‘‘Hiling’’ ng Retrospect, ‘‘Mahal’’ ng Big Men, ‘‘Ikaw Lamang’’ ng Krausswind, ‘‘Sulat’’ ng Moonstar88, ‘‘Tulala’’ ng Cover Me Quick, ‘‘Saying Goodbye" ng Bent, ‘‘Girl’’ ng Immaculate at ‘‘Tabing Ilog’’ ng Barbie’s Cradle.
Ang album ding ito ay natatampok sa mga awiting ‘‘Paalam Na’’ ni Rachel Alejandro at ‘‘You Will Always Be’’ ni Shirley Fuentes, dalawa sa mga popular songs na hindi commonly available sa ibang acoustic albums. Ang ‘‘Acoustic Light’’ ay mabibili na sa high grade cassette at CD sa lahat ng Alpha outlets sa buong bansa.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended