April Boys, may bagong album
May 12, 2003 | 12:00am

"Kahit sa mall tour na isinasagawa namin nationwide," wika ng ad prom manager na si Ruby Suico, "mainit na mainit ang pagtanggap ng publiko sa kanila. Kung si April Boy Regino, ‘idol’ ang tawag sa kanya, ‘utol’ naman ang isinisigaw kina Vingo at Jimmy. Ibig sabihin nito’y ganap nang nakakawala ang dalawa sa anino ng kanilang nakatatandang kapatid. May sarili na silang tagahanga, ika nga. At dahil dito’y nagiging mabili ang album nang higit sa aming inaasahan."
Bukod sa mga nabanggit na, ang iba pang kantang kabilang sa album na U2L ay ang "Hanggang Ngayon", "Pa-promise Promise", "Hanggang Maaga" at "Sana Maniwala Sa Akin." Lahat ng mga ito’y orihinal na komposisyon nina Vingo at Jimmy. Ayon sa kanila: "Ginagawa namin ito upang ipakita sa lahat na sa kabila ng mga intriga at problema, nandito pa rin kami na lalo pang nagsisikap na makapagdulot ng aliw sa mga tagatangkilik ng musikang OPM."
Iyan ang bagong April Boys-makiawit, makisaya...maki-hottah hottah sa kanila ngayong tag-init.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended