^

PSN Showbiz

Lalaking pinag-aawayan nina Madam Auring at Mystica ikakasal kay Anna Dizon

RATED A - Aster Amoyo -
Personal kaming inimbitahan ng ating kasamahang si Peter Ledesma sa isang intimate dinner get-together sa bahay ng singer-business woman na si Anna Dizon sa New Intramuros Village in Quezon City nung nakaraang Martes ng gabi para na rin ibalita ang nalalapit na release ng kanyang pangalawang album (wala pang titulo). Bukod sa ilang mga naimbitahang entertainment writers, naroon din ang producer ng album na si Nonoy Tan na nag-compose din ng ilang songs para sa bagong album ni Anna.

Kung ikukumpara sa kanyang naunang album, masasabi naming mas magandang di hamak itong bagong album na lalabas dahil sa magagandang arrangement, piling-pili rin ang mga nilalaman na kanta at kabilang na rito ang "I’m In Love Again" ni Nonoy Tan. Meron ding ilang komposisyon si Vehnee Saturno at iba pang noted composers at kasama na rito ang tandem nina Edith Gallardo at Moy Ortiz behind Aiza Seguerra’s hit songs.

Bukod sa "I’m in Love Again", maganda rin ang pagkakaawit ni Anna ng "Nais Ko" na unang pinasikat ni Miguel Vera (mula sa isang Japanese melody) ganundin ang "Ikaw Pa Rin Sa Puso Ko" ni Vehnee Saturno. Ang iba pang nilalaman ng album ay ang "Ang Akala Ko", "Bakit Nagawa Mo Pa", "For You", "Come and Take My Hand", "Dama Ko Sa Yong Halik", "Hanggang Saan", "Ina" at ang kaisa-isang disco tune na "Lagi Ka Sa Aking Panaginip".

Maganda ang pagkakagawa ng bagong album ni Anna, attributed marahil sa kanyang pagiging inspired at in-love muli. Tulad ng ating nasulat na sa ating kolum, nakatakdang ikasal si Anna sa lalaking pinag-aagawan nina Madame Auring at Mystica, si August Flor na mas nakilala sa pangalang Kevin Monteverde na si Mystica na rin mismo ang nagbansag.

Naroon na rin lamang kami kina Anna, nagkaroon kami ng pagkakataon na makakwentuhan ang nalalapit na groom na si Thoy (palayaw ni August). Personal na kinumpirma sa amin ng magkasintahang Anna at Thoy na nakatakda silang magpakasal sa civil rites sa Araw ng mga Puso (February 14) sa resthouse ni Anna na nakatayo sa kanyang 10-hectare farm sa Mindoro. Ito’y susundan ng church wedding on March 31 sa Sta. Maria dela Strada along Katipunan Road. Ang reception ay gaganapin sa ballroom ng EDSA Shangri-La habang ang month-long honeymoon ay sa Europe.

Nagkakilala sina Anna at Thoy as early nung nakaraang taon dahil si Anna ang may-ari ng Hero’s Gym kung saan noon naggi-gym sina Thoy at Mystica. Nang maghiwalay sina Mystica at Thoy, si Anna ang binalingan ni Thoy hanggang sa sila’y maging magkasintahan nung nakaraang Dec. 1.
* * *
Nung nakaraang Huwebes, nagbigay ang beauty czar na si Mother Ricky Reyes ng isang intimate dinner para sa belated birthday ng ating kasamahan sa panulat at kaibigan na si Ronald Constantino na ginanap sa Mama Rosa in Quezon City. Bukod kina Mother Ricky at Ronald, naroon din sina Nestor Cuartero, Butch Francisco, Mario Hernando, Mario Bautista, Nora Calderon, ang sekretarya ni Rudy Fernandez na si Marian at mister nito at ang inyong lingkod.

Matapos ang aming get-together sa Mama Rosa restaurant, si Manay Ichu Maceda naman ang nag-host ng isang intimate dinner party for Ronald na ginanap sa Vera-Perez patio. Siyempre pa, bukod kay Ronald at Manay Ichu, naroon din ang kanyang butihing ina na si Mama Nene Vera-Perez. Ang iba pang mga dumalo ay sina Douglas Quijano, Manay Ethel Ramos, Manay Lolit Solis, Dolor Guevarra, Girlie Rodis, Joan Maglipon, Tatus Aldana, June Rufino, Ricky Lo, Mario Hernando, Nora Calderon, Gorgy Rula, Anna Pingol, Direk Boots Plata, Joel Lamangan at Direk Mel Chionglo. Dumating din doon ang guwapo at pinakabatang kongresista na si Rep. Wimpy Fuentebella na very close kay Manay Ichu. Dumating din sina Kris Aquino at Andrea Bautista na parehong inirereto sa batang kongresista.
* * *
Sina G. Toengi at Iza Calzado ang mga special guests ng top-rating sitcom ng GMA-7 na Daboy en da Girl na tinatampukan nina Rudy ‘Daboy’ Fernandez, Rosanna ‘Osang’ Roces at Alma ‘Ness" Moreno na ipinalabas kagabi, Huwebes.

Samantala, marami ang nanghihinayang kay G. Toengi na hanggang ngayon ay nakikipagsapalaran pa rin sa Amerika para mapasok ang Hollywood. Maganda na nga naman ang takbo ng kanyang career dito sa Pilipinas nang magdesisyon siyang mangibang-bansa.

Magta-tatlong taon na si G sa Amerika pero hanggang ngayon ay wala pa ring linaw ang kanyang pangarap na ma-penetrate ang Hollywood. Hanggang kailan kaya magtitiyaga sa Amerika si G?
* * *
Email: [email protected]

vuukle comment

AMERIKA

ANNA

BUKOD

MAMA ROSA

MANAY ICHU

MARIO HERNANDO

MYSTICA

NONOY TAN

THOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with