^

Punto Mo

Diehard fan ng ‘The Walking Dead’, nakatanggap ng Guinness record dahil sa malaking koleksiyon ng memorabilia!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki sa Dammam, Saudi Arabia, ang kinilala ng Guinness World Records para sa pagkakaroon ng pinakamalaking koleksiyon ng memorabilia mula sa sikat na comic book at TV series na The Walking Dead.

Matapos umabot sa 3,053 piraso ang The Walking Dead memorabilias ni Rashid Al-Olayan, ginawa niyang mini-museum ang isang bahagi ng kanyang tahanan upang ipakita ang kanyang koleksiyon.

Kabilang dito ang mga costume na ginamit sa mismong produksyon ng TV series. Ayon sa mga ulat, sinimulan niya ang koleksiyon noong 2015 gamit ang isang set ng action figures.

Naging fan si Al-Olayan ng The Walking Dead dahil sa mga relatable na karakter nito. Isa rin sa dahilan kaya niya naging paboritong palabas ito ay dahil sa mga unexpected twist and turns ng kuwento.

Ang ilan sa mga memorabilia sa kanyang koleksiyon ay may pirma ng mga aktor mula sa TV series. Patuloy din ang kanyang misyon na makum­pleto ang lahat ng autograph ng mga ito kabilang na ang pirma ng manunulat at co-creator ng comic book series na si Robert Kirkman.

Sa patuloy na pagdaragdag ng mga memorabilia, layunin ni Al-Olayan na ma­ging kumpleto ang kanyang koleksyon, na patunay ng kanyang walang kapantay na dedikasyon sa The Walking Dead franchise.

GUINNESS WORLD RECORDS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with