^

Punto Mo

Babae, 2 beses tinamaan ng kidlat habang nasa loob ng supermarket, nakaligtas!

- Arnel Medina - Pang-masa

ANG payo ng mga eksperto, manatili sa loob ng bahay o gusali upang hindi tamaan ng kidlat kapag masama ang panahon. Ngunit para kay Lakeisha Brooks, 33 anyos na taga-Houma, Louisiana, hindi maasahan ang nasabing payo dahil nasa loob siya ng isang supermarket nang tamaan ng kidlat hindi lamang isa kundi dalawang beses pa. Pasalamat ni Brooks, nakaligtas siya sa dalawang tama ng kidlat.

Nakapila sa cashier ng supermarket si Brooks upang bayaran ang kanyang pinamili nang biglang nagliwanag ang kanyang paligid na may kasunod na malakas na ingay. Noong mga sandaling iyon ay hindi pa niya alam na tinamaan na pala siya ng kidlat. Gayunpaman, itinulak pa rin niya palayo sa kanya ang kasamang 2 taong gulang na anak upang siguraduhin ang kaligtasan nito.

Sa bilis sa mga pangyayari ay napaatras siya sa kan­yang kinatatayuan. Sa pagkakataong iyon na niya nakita ang pangalawang kidlat na tumama sa kanya.

Ilang sandali pagkatapos ng pagtama sa kanya ng kid­lat ay saka siya nakaramdam ng sakit sa kanyang mga binti. Tumingin siya sa ibabang parte ng kanyang katawan at nakita niyang wala na pala ang suot niyang sapatos na marahil ay tumalsik nang tamaan siya ng kidlat.

Dahil sa dalawang kidlat na magkasunod na tumama sa supermarket, nangitim sa pagkakasunog ang parte ng sahig na kinatatayuan ni Brooks. Itinakbo naman siya sa ospital pagkatapos ng insidente. Nagtamo siya ng sunog sa kanyang mga binti. Ikinumpara naman niya ang sakit na kanyang naramdaman nang siya tamaan ng kidlat sa mainit na mantika na para raw bumuhos sa kanyang binti.

Sa kabila nito, nagpapasalamat pa rin si Brooks na siya ay nabuhay matapos tamaan ng kidlat ng dalawang beses. Masasabing masuwerte nga si Lakeisha dahil kahit 1 sa 6,250 lamang ang tsansa na ang isang tao ay tamaan ng kidlat, nasa 60 katao pa rin ang namamatay taun-taon dahil dito.

DAHIL

GAYUNPAMAN

HOUMA

IKINUMPARA

ILANG

KANYANG

KIDLAT

LAKEISHA BROOKS

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with