“Good am, Wanna bet and to your PM family, I am 20 years old and in love, but my biggest problem is, the guy is married, I am confused Wanna bet , I really don’t know what to do. Please don’t judge me, hindi naman ako masamang babae. Just call me Ling,”
Kung tutuusin, madali lang ang problema mo, kasi alam mo na agad na taken na siya. So simple lang ang solusyon. Umalis ka na diyan. Una, hindi tama. Ikalawa, ang kaligayahang makakamtan mo sa ganyang klase ng relasyon ay pansamantala at walang katahimikan. Ano mang bawal na bagay hindi ka makaaasa ng tunay na kaligayahan. Lalo na at alam mong may nasasaktan ka, hindi mo man siya personal na kilala. Kaya hanggang maaga pa, lisanin mo na iyan. Bata ka pa. Makikita mo ang taong lubusang magmamahal sa iyo ng buong-buo at ni hindi kailangang makihati.
“Hi Wannabet, is it really possible to learn baking on your own, even without proper or formal training?” — Grin of Pasig
Oo naman posible. In fact sa ganoon lang ako nagsimula. Self-study lang lahat. Ngunit kung balak mong pumasok ng negosyo kailangan mong magkaroon ng formal training. Kailangan sa resume mo iyan at mayroon kang maipakikitang pruweba ng iyong experience at accomplishment. Mayroon naman na lifestyle courses lang, maiikli lang at kung anong uri ng tinapay o cake at klase lang ang gusto mo, iyon lang ang aaralin mo. Mas lalo na kapag nagnegosyo ka. Isa sa pinakamalaking investment at kapital mo ay ang karunungan. Invest in education. Invest in training.
“Hi Bet! Isa akong new mom at magtatatlong taon na ang anak ko. Kailangan ko na ba