Dalagang estudyante laglag sa motor, tigok
Nagtangkang umiba ng posisyon
GOA, Camarines Sur, Philippines — Patay ang isang dalagang estudyante matapos na mahulog sa sinasakyang motorsiklo dahil sa pagtatangka nitong mag-iba ng posisyon habang nakangkas sa Brgy. Abucayan, Goa, Camarines Sur kamakalawa ng hapon.
Sinubukan pang isugod sa pagamutan ang duguan at walang malay na si Jena Orti, 24-anyos, residente ng Brgy. Pinamihagan, Lagonoy pero idineklarang patay ng mga doktor.
Sa ulat ng Goa Police, dakong alas-5:50 ng hapon nang maganap ang kalunus-lunos sa insidente habang angkas ang biktima at isa pang backrider sa Euro Sport na motorsiklo na minamaneho ng habal-habal driver na si alyas “Toto”, 28-anyos, residente ng Brgy. Pinaglabanan, Lagonoy.
Binabagtas umano ng motorsiklo ang kahabaan ng kalsada ng Brgy. Abucayan nang sinubukan ng angkas na biktima na umiba ng posisyon sa pagkakaupo nito pero aksidente siyang nahulog at humampas ang ulo at katawan sa kalsada.
Mabilis na isinugod ang dalaga sa Goa Infirmary Hospital pero hindi na umabot pang buhay.
- Latest