^

Probinsiya

P1.3 milyong halaga ng shabu nasamsam

John Unson - Pilipino Star Ngayon
P1.3 milyong halaga ng shabu nasamsam
Inaayos ng tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nakumpiskang shabu na aabot sa P1.3 milyon sa isang entrapment operation sa Cotabato City, kahapon.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Nasamsam ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasa P1.3 milyon halaga ng shabu sa isang drug dealer sa isang buy-bust operation sa Brgy.Poblacion 5,ng lungsod na ito.

Kinilala ni Gil Cesario Castro, director ng PDEA-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Min­danao (BARMM) ang naarestong suspek na si Najer Cosain Arumpac, 26.

Hindi na pumalag si Arumpac nang arestuhin ng mga hindi unipormadong mga PDEA-BARMM agents at mga kasapi ng Cotabato City Police Office na kanyang nabentahan ng 200 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.3 milyon, sa isang entrapment operation na nailatag sa tulong ng mga impormanteng alam ang kanyang illegal na gawain.

Ayon sa mga opisyal ng mga intelligence units ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, ng 103rd Infantry Brigade at the 6th Infantry Division, si Arumpac ay mga kasabwat sa pagbebenta ng shabu sa Marawi City, sa Iligan City, sa ilang mga bayan sa Lanao del Sur at Maguindanao del Norte at sa siyam sa 37 barangays dito sa lungsod na siyang kabisera ng BARMM.

vuukle comment

PDEA

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with