^

Probinsiya

8 baybayin sa Samar positibo sa red tide - BFAR

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na hindi bababa sa walong baybayin sa Samar Island ang positibo sa toxic red tide batay sa pinakahuling seawater sampling, kung saan ang ilang bahagi ng dagat ay nagpapakita ng red discoloration.

Sa advisory na inilabas, sinabi ng BFAR na may nakitang red tides sa tubig-dagat ng Daram Island; Isla ng Zumarraga; Maqueda Bay sa mga bayan ng Jiabong, Motiong, Paranas, San Sebastian, Calbiga, Pinabacdao, at Hinabangan; Cambatutay Bay sa Tarangnan; at Irongirong Bay sa Catbalogan City.

Nabatid pa sa ulat na ang iba pang mga baybayin na apektado ng red tide ay ang baybayin ng Guiuan sa Eastern Samar; Matarinao Bay sa mga bayan ng General MacArthur, Quinapondan, Hernani, at Salcedo, sa Eastern Samar; at ang baybaying tubig ng Calbayog City sa Samar.

Mahigpit na pinapayuhan ang lahat na huwag mangolekta, magbenta, o kumain ng anumang uri ng shellfish, kabilang ang maliliit na hipon mula sa Samar Sea.

vuukle comment

BFAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with