LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Binaril at napatay ang isang 33-anyos na mister ng ’di-kilalang lalaki sa karahasang naganap sa loob ng M Lhuiller Pawnshop / Kuwarta Padala sa panulukan ng Ibanez at Quezon Street sa Masbate City, Masbate kahapon ng umaga. Napuruhan sa ulo si Eussel Bulanon, may asawa, ng Barangay Poblacion sa bayan ng Cataingan, Masbate. Sa ulat ng pulisya, lumilitaw na magpapadala ng pera sa kanyang pamilya ang biktima nang lapitan at barilin. Maging ang mga kawani ng pawnshop ay nagulantang sa kanilang nasaksihan na pamamaslang sa kanilang kustomer. Matapos ang pamamaslang ay kaswal lamang na naglakad palabas ng pawnshop ang gunmen.