Bus bumaliktad: Driver utas, 15 sugatan

BULACAN ,Philippines  — Isa ang patay habang 15 naman ang sugatan matapos bumaliktad ang pampasaherong bus sa Maharlika Highway sa Barangay Capihan, San Rafael, Bulacan noong Sabado ng madaling-araw. Kinilala ang nasawi na si  Herminio Taruc Martin, 28, driver ng North Star Bus Liner at residente ng Barangay Palloc sa bayan ng Ballesteros, Cagayan. Naisugod naman ng mga sugatang biktima sa Baliuag District Hospital sa bayan ng Baliuag. Sa ulat ng pulisya, bumaliktad at bumalandra ang bus (BVS989) ni  Martin bandang ala-una ng madaling- araw noong Sabado. Ayon sa pulisya, posibleng naidlip ang driver o kaya sumabog ang gulong kaya naganap ang sakuna.

Show comments