Ex-pulis kinatay ng 16-anyos

MANILA, Philippines - Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang retiradong pulis ng isang 16-anyos na lalaki na sinita ng una dahil sa homemade airgun sa bayan ng Del Carmen, Surigao del Norte kamakalawa ng tanghali. Kinilala ni CARAGA PNP spokesman P/Senior Supt. Martin Gamba, ang napaslang na si (ret.) SPO4 Melchor Baron, 61. Ang suspek na itinago naman sa pangalang Junrey dahil sa pagiging menor-de-edad ay boluntaryong sumuko kay Brgy. Councilor Rudy Silagan. Sa imbestigasyon, naganap ang insidente dakong alas- 11 ng tanghali sa Brgy. Jumayaon kung saan ikinagalit ng suspek ang paninita ng biktima sa kaniyang airgun. Umuwi ang biktima pero bumalik dala ang matalim na kutsilyo at inundayan ang nakatalikod na matanda habang naglalakad. Nagawa pang makatakbo ng biktima sa bakuran ni Meding Bilor pero nasundan ito ng suspek saka pinagsasaksak.

Show comments