2 ballot boxes itinapon sa ilog
MANILA, Philippines - Dalawang ballot boxes ang itinapon sa ilog ng grupo ng kandidatong barangay chairman matapos agawin sa mga Board of Election Tellers (BET) sa Barangay Sabaken, Northern Kabuntalan, Maguindanao kahapon ng umaga. Sa ulat ng Army’s 6th Infantry Division, biglang sumiklab ang komosyon sa pagitan ng grupo ng kandidatong brgy. Chairman na si Mokamad Talipasan at ng mga opisyal sa polling precinct.
Itinakbo ng mga supporter ni Talipasan ang dalawang ballot boxes at itinapon sa ilog habang ginaganap ang barangay at Sangguniang Kabataan elections.
- Latest
- Trending