2 sundalo patay sa ambush

BATANGAS, Philippines — Napas­lang ang dalawang kawal ng Philippine Army maka­raang tambangan ng mga armadong lalaki sa bayan ng Calatagan, Batangas kahapon ng tanghali.

Kinilala ni P/Senior Supt. Alberto Supapo, Ba­tan­gas police director ang dalawa na sina Private Dennis Fajelga at Private Hinkil Carasco ng Charlie Company, 16th Infantry Brigade at nakadestino sa Army detachment sa Brgy. Hukay, Calatagan. Ayon sa report, magkaangkas sa motorsiklo ang dalawa para sana mamalengke sa talipapa sa Brgy. Luksuhin nang ratratin bandang alas-11:20 ng umaga

Mabilis namang suma­kay ng pampasaherong jeep­ney ang gunmen bago lu­mi­pat sa traysikel. Nawa­wala naman ang calibre 45 pistola ng mga biktima na si­nasabing tinangay ng gunmen. Pinaniniwalaang mga rebeldeng New Peo­ple’s Army ang may kaga­gawan ng pananambang habang patuloy ang im­bestigasyon.

Show comments