Lolo kinuyog ng mag-aama, todas

MANILA, Philippines - Pinagtulungang gulpi­ hin at pagtatagain hang­gang sa mapatay ng mag-aama ang isang 60-anyos na biyudong lolo habang nasa kritikal namang kon­disyon ang anak nitong lalaki sa Himamaylan City, Negros Occidental kama­kalawa ng gabi.

Halos magkagutay-gutay ang katawan ni Elisio Ruben habang patuloy na­mang isinasalba sa ospi­tal sa Bacolod city ang anak nitong si Jovie, 31.

Sa follow-up operation ng pulisya, nadakma na­man ang mag-aamang sina Reymundo, 40; Jose, 53; at Ronald; pawang may apel­yidong Matutina na na­katira sa Sitio Bajay, Ba­rangay 3.

Sa police report na na­karating kay P/ Supt. An­tonietto Canete, ang mag-ama ay kinuyog at pi­nag­tataga ng mga suspek sa loob ng bahay noong Lunes ng gabi habang naghahanda na para ma­tulog ang mag-amang Ruben.

Inaresto ang mga sus­pek na sinasabing na­mataan ng ilang residente na bumaba sa tahanan ng mag-ama bitbit ang dugu­ang itak ilang oras bago nadiskubre ang krimen.

Nahaharap ngayon sa kasong kriminal ang mga suspek na kasalukuyang naghihimas ng rehas na bakal.

Pinaniniwalaang alitang pampamilya ang isa sa motibo ng krimen.

Show comments