Gov. Umali inendorso si Bro. Eddie

MANILA, Philippines - Pinangunahan ni Nueva Ecija Governor Aurelio Uma­li ang libu-libong residente ang pagsuporta at pag-endorso kay Ba­ngon Pilipinas standard bearer Bro. Eddie Villa­nueva bilang pambato sa pagka-Pangulo sa Mayo 10 elections.

Nilagdaan sa harap ng libu-libong supporter sa pangunguna ng Nueva Ecja City Pastoral Movement at mga local na opis­yal ang manifesto na su­mu­suporta sa kandidatura ni Villanueva sa ginanap na multi-sectoral forum sa Knights of Columbus sa San Jose, Nueva Ecija noong Martes.

Naniniwala ang Pastoral Movement na tanging si Villanueva lamang ang may kakayahan na pangunahan ang bansa upang isulong ang kapayapaan, kaunla­ran at pagkakaisa ng ma­mamayang Pilipino kaya 100 porsyento anila ang ibibigay na suporta sa buong ticket ng Bangon Pilipinas.

Sinundan ng forum ang pagpupulong sa Science City of Muñoz na dinaluhan ng may 5,000 magsasaka at mga lokal na opisyal ng pamaha­laan sa pangungu­na ni Mayor Efren Alvarez.

Ipinangako ni Villanueva sa mga magsasaka na ma­uuna silang mabibiya­yaan sa economic revolution program na nakalatag sa loob ng unang 100 days sa serbisyo kapag nahalal na Pangulo.

Kinagabihan ay dumag­sa naman ng 10,000-katao sa Freedom Park sa Ca­ba­natuan City sa ginanap na miting de avance ng Bangon Pilipinas.

Show comments