IBA, Zambales, Philippines — Isang intelligence officer ng Zambales Provincial Police Office ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng dalawang lalaki kamakalawa ng gabi sa bisinidad ng Barangay Inhobol, sa bayan ng Masinloc, Zambales. Napuruhan sa ulo ng bala ng baril si P03 Valiant Almario, 48, ng Barangay South Poblacion, Masinloc. Sa ulat ni P/Senior Supt. Rafael Santia, hepe ng ZPPO, lumilitaw na pauwi na si PO3 Almario mula sa kaibigang si Barangay Kagawad Ruben Ochave nang lapitan at ratratin ng motorcycle-riding assassins. Tinangay ng mga suspek ang service firearm at pitaka ng biktima bago nagsitakas. Randy V. Datu