BULACAN , Philippines — Sinimulan ng mga hukom, abogado at mga kawani ng Bulacan Regional Trial Court ang pagsasanay sa Wikang Tagalog na gagamitin sa 2010.
Pinamagatang “Pagsasanay ng mga Hukom, Abogado at mga Kawani ukol sa Paggamit ng Wikang Pilipino sa Hukuman” ang isinagawang pagsasanay na ginanap sa Hiyas Convention Center sa pangunguna ng Team IBP-Marcelo H. Del Pilar Chapter of the Integrated Bar of Philippines at sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Judicial Academy at Supreme Court.
Ayon kay Atty. Renato Samonte Jr., pangulo ng IBP chapter, na layuning maisalin sa wikang Tagalog ang mga ligal na katawagan para mas higit na maintindihan ng ating kababayan ang situwasyon sa mga inihaing kaso sa bawat hukuman.
Sa pamamagitan ng seminar ay ganap ng maisasakatuparan sa 2010 ang pagsasalita ng Tagalog sa may pitong hukuman sa Malolos City at sa isang municipal trial court sa bayan ng Guiguinto.
Naging pangunahing tagapagsalita sa ginanap na seminar sina (ret.) Justice Jose Dela Rama, coordinator ng PhilJA, (ret.) Justice Cesar C. Peralejo, Atty Rosa Maria Juan Bautista, Justice Justo P. Torres, vice chancellor of Philippine Judicial Academy; Justice Oswaldo D. Agcoaili at si Dean Pacifico Agabin, chairman ng PhilJA sub-committee on Use of Pilipino Language in Court Proceedings. Boy Cruz