ZAMBALES , Philippines – Nagpahayag ng pagkabahala ang may 50 residente ng Magdalena Homes Subdivision sa bayan ng Subic, Zambales makaraang makatanggap ng mga pagbabanta sa pamamagitan ng text messages mula nang magsagawa ang mga ito ng protesta laban sa sinasabing opisyal ng bogus homeowners association.
Sa pahayag ni Jaime Castillo, pangulo ng Magdalena Homes Homeowners’ Association sa Barangay Sto. Tomas na ang pinakahuling pagbabanta sa kanilang seguridad ay nang bugbugin ang dalawa nilang miyembro at wasakin ang gamit na video camera ng mga tauhan ng management habang nagaganap ang protest rally sa harapan ng gate ng subdivision.
Napag-alaman na ang kaguluhan laban sa mga homeowner ay nagsimula noong April 2008 matapos mag-protesta ang mga residente sa pagtatalaga ng management sa mga opisyal ng asosasyon na sinasabing bogus.
Nanawagan ang mga residente ng nabanggit na subdibisyon sa mga kinauukulang ahensya ng local na pamahalaan para mapigil ang nakaambang trahedya. Randy Datu at Alex Galang