Bata inutas ng kalaro sa teks

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Nagiging pabata nang pabata ang mga kriminal sa kasaluku­yang panahon kung saan isang 13-anyos na lalaki ang sinaksak at napatay ng kanyang kalarong 11-an­yos dahil lamang sa larong teks kamakalawa ng ha­pon sa Brgy Bagong Bayan sa Jose Pangani­ban, Ca­ma­rines Norte.

Hindi na umabot ng buhay sa Camarines Norte Pro­vincial Hospital si An­gelo Ocampo ng Sitio Pa­tiao, Brgy. North Poblacion.

Samantala, ang sus­ pek na itinago sa panga­lang Ra­mon ng Purok 3, Brgy. Luk­lukan Sur ay nasa pa­nga­ngalaga ng lokal na sangay ng Department of Social Welfare and Deve­lop­ment.

Sa inisyal na imbesti­gasyon ng pulisya, lumili­taw na naglalaro ng teks nang agawin ng bik­tima ang P400 ng suspek.

Dito na nagkasuntukan ang dalawa sa kalsada ha­bang pinanonood ng ilang kabataang lalaki hang­gang sa undayan ng sak­sak sa tiyan ng suspek ang biktima.

Kaagad naman na na­aresto ng ilang barangay opis­yal ang suspek na sina­sabing hawak pa ang du­guang patalim na gi­namit sa krimen.

Show comments