RIZAL – Tatlong kalalakihan na pinaniniwalaang kilabot na holdaper ang iniulat na napatay makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa Baytown Road sa Barangay Kalayaan, Angono, Rizal kamakalawa.
Inaalam pa ang pagkikilanlan ng tatlo na ayon sa inisyal na impormasyon ay mga miyembro ng kilabot na “Waray-Waray Group.”
Sa ulat na isinumite kay P/Se nior Supt. Ireneo Dordads, Rizal police director, natunton ng mga awtoridad ang pinagkukutaan ng tatlo sa nabanggit na barangay bandang alas-4:30 ng hapon.
Nauna dito, hinoldap ng mga suspek ang isang kawani ng Cand L finance company na si Anthony Lloyd Ocana sa bahagi ng Baytown Road kung saan nakuha sa biktima ang P13,000.
Agad naman nagtungo ang biktima sa himpilan ng pulisya upang iulat ang insidente kaya nagsagawa ng follow-up operation hanggang sa maganap ang shootout.
Positibo namang kinilala ni Ocana, ang tatlong napatay na siyang humoldap sa kanya subalit hindi na nabawi pa ang perang nakuha dito.