ROSARIO, Agusan del Sur – Mapayapang sumuko ang isang 25-anyos na politico-military training officer ng New People’s Army na nakabase sa Caraga-Compostela Valley kina Col. Jose Vizcarra ng 401st Infantry Brigade ng Philippine Army at Col. Joel Madarang, commanding officer of the 36th Infantry Battalion noong Miyerkules ng gabi sa bayan ng Rosario, Agusan del Sur.
Sa tulong nina Rose Tamayo-Tesoro, PSN reporter at dating PNP-PDEA official ret. P/Senior Supt. Rolando Abotay, boluntaryong sumuko ni Susan “Esai” Cloma, sa dalawang nabanggit na opisyal ng Phil. Army sa nasabing bayan.
Napag-alamang si Cloma na residente ng Barangay Sta. Maria sa bayan ng Trento, Agusan del Sur ay su mapi sa underground movement noong siya ay 17-anyos pa lamang at 1st year college sa MATS sa Davao City
“I quit and leave my NPA comrades peacefully as I formally asked them that I want to live in peace and seek job to earn a living for my family,” naiiyak na pahayag ni Cloma.
Pormal na tumiwalag si Cloma sa samahan noong nakalipas na taon at nag-asylum sa Davao City para makapaghanap ng disenteng trabaho hanggang sa magdesisyon siyang sumuko sa pamahalaan sa pakikipag-ugnayan kina Abotay at Tesoro. Nagbigay ng mensahe si Cloma sa pamahalaan na tugunan ang mga pangangailangan ng maralitang pamilya sa kabundukan. (Ben Serrano)