Bukod sa pinugutan ay inilibing pa ang katawan ni Nardito Molina, samantalang nasakote naman ang suspek na si Rodolfo Aguilar na kapwa naninirahan sa nabanggit na barangay.
Napag-alamang umabot sa kaalaman ng suspek na ang kanyang misis ay nakikipagrelasyon sa biktima na lingid sa kaalaman nito ay kumukuha lamang ng tamang tiyempo para komprontahin.
Ayon sa ulat, natiyempuhan ng suspek na ang biktima ay nagpapahinga sa lilim ng punong niyog kaya agad nitong nilapitan at isinagawa ang pamamaslang.
Natagpuan ni Barangay Kagawad Recto Ramos, ang bangkay ng biktima na nakabaon sa mababaw na hukay kaya agad nitong ipinagbigay-alam sa himpilan ng pulisya.
Matapos ang masusing pagsisiyasat, lumalabas na pinugutan ng ulo ang biktima dahil sa karelasyon nito ang misis ng suspek na hindi naman pinagsisihan ang ginawang krimen.
Pormal na kinasuhan ang suspek at tatayong testigo sa krimen ay ang kanyang misis na pinaniniwalaang napamahal sa biktimang pinugutan. (Ed Casulla)