Kinumpirma ni P/Chief Supt. Antonio Dator Nanas, Caraga regional director, ang naganap na ambush na ikinasawi nina P/Inspector Enrico Bravo Bamba, 31, police chief ng bayan ng San Luis at si SPO2 Espiridion Palma, acting deputy police chief ng nabanggit na bayan.
Bukod sa dalawang alagad ng pulisya ang napatay ay marami rin ang nasugatan matapos na ratratin at pasabugan ng landmines ang dinaraanan ng mga biktima na pawang military personnel ng 402NDS Infantry Battalion ng Phil. Army.
Sa inisyal na ulat, pabalik na ang mga biktima sakay ng ilang motorsiklo sa San Luis Municipal Hall nang harangin at pagbabarilin ng mga nakaposisyong rebelde.
"They were supervising security measures for the Araw ng Barangay Poblacion San Luis, when they decided to go to the San Luis Muncipal Hall to report something to the local officials there and while on their way, they were ambushed and landmines detonated causing their instant death", pahayag ni Nanas.
Hindi naman nabatid ang pagkikilanlan ng mga biktimang nasugatan matapos na pasabugin ang landmines ng mga rebelde habang tugis naman ng military ang mga NPA na nagsitakas.
Wala pang kumpirmasyon ang tagapagsalita ng NPA sa Caraga Region na si Ka Maria Malaya, asawa ni George Madlos, alyas "Ka Oris na lider ng nasabing grupo na ayon sa pulisya at militar ay labag sa Geneva Convention Protocol.