Sa ulat na isinumite ni ESS-CPD Subic District Commander Capt. Ramon Policarpio kay Customs Deputy Commissioner Celso Templo, nakumpiska ang 500-bales ng ukay-ukay na nakapaloob sa apat na 40 footer container at isang van.
Nabatid sa ulat na ang kontrabando ay pag-aari ng California Waste Inc. isang rehistradong locator sa loob ng Industrial Park ng Subic Bay Development Metropolitan Corp. (SBDMC).
Ayon naman kay BoC Assessment Division Chief Deputy Collector Carlito Pascua, tinatayang aabot sa P5-milyon ang market value ng mga kumpiskadong ukay-ukay at ito ay isang prohibited items sa ilalim ng RA 4653.
Kasunod nito, isang mamahaling Lincoln Navigator na nagkakahalaga ng P3-milyon at walang kaukulang dokumento ang napigilang maipuslit sa SBMA.
Ang nabanggit na sasakyan na nagmula Honolulu, Hawaii ay naunang ipinasok sa Port of Manila, subalit nahirapang mai-release sa kakulangan ng dokumento kung kayat sinubukang ipuslit sa SBMA, subalit nasabat naman ng Customs police personnel at Task Force sa pamumuno ni ret. Gen. Jose Calimlim. (Jeff Tombado)