Napuruhan sa ibat ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Mario Domingo, samantalang positibo namang nakilala ng mga testigo ang mga suspek na sina Romulo Ellano Jr., alyas "Ka Sword," 43, dating rebeldeng NPA; Eduardo Semillano, Joepet Ariasa, Lito Selvino at 16 pang magsasaka.
Nabatid na ang mga suspek ay mula sa grupong nagsisipag-alburutong magsasaka na hindi napabilang sa nakakuha ng benepisyo sa ipamamahaging lupa ng pamahalaan sa ilalim ng CARP ng Department of Agrarian Reform (DAR).
Napag-alamang nauna nang humingi ng tulong para sa kaniyang seguridad ang biktima sa mga elemento ng Police Regional Mobile Group matapos na mabigo ang negosasyon sa hanay ng grupo ng mga nagsisipag-alburutong magsasaka na naghahangad na i-award na lamang sa kanila ang lupaing sinasaka.
Gayon pa man, bago pa makapagresponde ang mga awtoridad ay galit na pinagbabaril ng grupong magsasaka ang biktima na pinaniniwalaang pinagdiskitahan matapos na hindi mapasama ang kanilang pangalan sa mga CARP beneficiaries.