Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si Cindy Bagal y Yamama ng Sorsogon, samantalang ginagamot naman sa Jane County Hospital, MMG Hospital at Quezon Medical Center sa Lucena City ang 63 iba pang pasahero na ang sampu sa kanila ay nakilalang sina Marissa, 29; Marlon, 11; Edelyn, 6; at Meradel Burgos, 8, pawang mga residente ng bayan ng Irosin, Sorsogon; Ronelo Montel, 27; Eliseo Dominguez Jr.30; Delia Nocum, 4; Lowell Garcia, 6; Blas de la Cruz, at Leo Bagal, 13, kapatid ng nasawi.
Sa inisyal imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-2:00 ng madaling-araw habang sakay ang mga biktima sa JVH Transport Bus (TWP-507) na minamaneho ni Gerry Bilan y Buergo , 36, ng San Isidro Ilawad, Malilipot Albay at tinatahak ang bahagi ng Maharlika Highway patungo sa Cubao, Quezon City.
Pagsapit sa kurbadang lansangan ay nawalan ng preno ang bus hanggang sa tuluyan itong nahulog sa isang bangin na may 15 talampakan na malubhang ikinasugat ng mga pasahero nito at kinalaunan ay ikinamatay ng isang paslit.
Nasa custody ngayon ng Pagbilao PNP ang driver ng bus at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso. (Tony Sandoval at Arnell Ozaeta)