Mister nakuryente sa pangingisda, dedo

LEGAZPI CITY – Maagang sinalubong ni kamatayan ang isang 32-anyos na mister makarang makuryente habang nangingisda sa ilog na sakop ng Barangay Catacnacan sa bayan ng Milaor, Camarines Sur kamakalawa ng hapon. Ang biktimang sumailalim sa awtopsiya ay nakilalang si Antonio Raos na nakuryente matapos na mahawakan ang talop na linya ng kuryente habang nanghuhuli ng isda na para sa kanyang pamilya. Kasalukuyang iniimbestigahan ng pulisya kung may ibang tao na responsable sa pagkamatay ng biktima. (Ed Casulla)
Kabesa tugis sa kasong rape
QUEZON — Tugis ngayon ng mga tauhan ng pulisya ang isang barangay chairman makaraang ireklamo ng isang 14-anyos na dalagita ng kasong rape sa Barangay Calumpak, Guinyangan, Quezon kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang suspek na si Ladislao Cueto, 52, ng Barangay Capuluan Tulon ng bayang nabanggit. Ayon kay PO2 Bella Diona, ang krimen ay naganap sa niyugang malapit sa bahay ng biktima. Lumabas sa resulta ng medico legal na positibo ngang hinalay ang biktima, subalit pinabulaanan naman ng mga kaanak ng suspek ang nasabing akusasyon. (Tony Sandoval)

Show comments