Kasalukuyang inaalam ang pagkikilanlan ng mga napatay na kidnaper na pawang miyembro ng Pentagon KFR.
Nasugatan naman ang sundalong kasapi ng Armys 66th Infantry Battalion na si Corporal Robin Arnulfo.
Base sa ulat ni Armys 66th Infantry Division (ID) Commander Major Gen. Agustin Dema-ala, dakong alas-6 ng umaga nang makasagupa ng militar ang mga armadong grupo ng Pentagon KFR sa bahaging bulubunduking sakop ng Sultan Sabarongis sa Maguindanao at bayan ng Pikit sa North Cotabato.
Tumagal ng 30-minuto ang bakbakan bago tuluyang nagpulasan ang grupo ng Pentagon na pinamumunuan ni Mayangkang Saguile na bitbit ang mga sugatang kasamahan sa ibat ibang direksyon.
May teorya ang mga opisyal ng 66th Infantry Battalion na ang grupo ng mga kidnaper ay magtutungo sa kapatagan para dumukot ng panibagong biktima nang makasalubong ang mga sundalo.
Narekober naman sa pinangyarihan ng shootout ang bangkay ng apat na napaslang na kidnaper, apat na malalakas na kalibre ng baril at ibat ibang uri ng bala.
Nagpapatuloy naman ang pagtugis ng tropa ng militar laban sa nagsitakas na mga kidnaper.