Sa inisyal na ulat na nakarating sa PNP Headquarters, inimbitahan na ng Calumpit Municipal Police Station ang suspek na kinilalang si dating Calumpit Mayor Ramon Pagdanganan upang pagpaliwanagin sa kinasangkutan nitong karahasan sa town plaza, subalit nabigo ang mga tauhan ng pulisya na makapasok sa kanyang bahay.
Base sa ulat, ang insidente ay naganap sa Liwasan ng Calumpit bandang ala-1 ng madaling-araw.
Ayon sa pahayag ng ilang mga nakasaksi sa pangyayari, nagwala umano ang batang Pagdanganan sa plaza ng bayan ng Calumpit at sinaktan ang ilang taong inabot nito.
Hindi pa nakuntento sa kanyang paninindak ay nagpaputok pa ito ng kanyang dalang AK47 machine gun sa ere.
Aminado naman si Calumpit Chief of Police P/Sr. Supt. Absalon Salboro na bago pa man siya naupong hepe ng pulisya sa nasabing munisipyo ay nakatanggap na ng mga balita na madalas na nasasangkot sa kaguluhan ang kapatid ni Obet.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kasong ito. (Ulat ni Joy Cantos)