Napagkamalang rebelde dinedo

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City May posibilidad na napagkamalang rebeldeng New People’s Army (NPA) ang isang 49-anyos na magsasaka kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ng isang kasapi ng Civilian Volunteers Organization (CVO) habang ang biktima ay naglalakad sa madilim na bahagi ng Barangay Matagbac, Milagros, Masbate kahapon ng madaling-araw. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jimmy Maranggi ng Sitio Camarin ng nabanggit na barangay. Sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Juan Avilla ng Sawmill KBB, Milagros municipal police station. Dahil sa tumitinding tensyon laban sa makakaliwang kilusan sa naturang bayan ay inakalang rebelde ang biktima kaya napaslang. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments